nanginginig.
Buhay pa rin sa aking puso ang mga pangakong binitiwan mo.
Gusto ko na mawalay ka sa isipan ko ngunit nagpupumilit ka, ayaw mong umalis, nasanay ka na laging ikaw ang nasa guni-guni. Madalas ay napapatulala ako bigla-biglaan sa gitna ng araw. Simula noong nakilala kita ay walang isang araw na hindi kita naaalala.
Maninibago kaya ako kapag mawala ka? Sa bagay, ilang beses ka na ring lumayo. Kinaya ko naman, at tinatanong ko ang sarili kung paano ko nagawang tapusin ang isang araw na hindi ka kapiling. Aalis ka na rin, at naghahanda na nga akong tiisin ang apat na taon habang malayo ka, hinahabol ang iyong pangarap, kalimutan ako. Mag-ingat ka. Wag na wag kang magpupuyat kasi masama iyan sa iyo. Alam ko naman na mahilig kang matulog ng hatinggabi pero kailangan mong matulog para tumangkad lalo.
Balang-araw ay umaasa akong magkasalubong tayo, baka sa isang kalye o sa Megamall o sa France. Sinabi mo dati na gusto mong tumira tayo doon at magpakasal sa harap ng Eiffel Tower. Isang musmos na pangarap na pinagtatawanan ko sabay napapaiyak kapag naalala ko. Para namang magkakasama tayo hanggang doon. Tanga naman ako, umasa. Bitin ang mga yakap mo, hindi abot-mata ang ngiti. Nagbago ka na nga.
Hindi mo ba kayang tumingin sa likuran mo at hawakan ang kamay kong nanginginig sa lamig? Kaya siguro malakas ang loob kong aminin ito dahil hindi ka na yata babalik. Ang atensyon mo ay palaging inaagaw ng ibang taong makikita mo naman araw-araw. Eh ako? Bihira na lang tayo nag-uusap. Di magtatagal ay mawala na ang litrato ng mukha mo na kasalukuyan naka-plaster sa isip ko.
Kagabi pa maingay ang puso ko, walang sinisigaw kundi ang pangalan mo. Buhayin mo ito, kulayan mo at bigyan mo ng pag-asa. Huwag mo akong kalimutan, iyon na lang ang hahawakan ko. Hindi ko na kailangang sabihin mahal pa rin kita.
Abutin mo ang iyong pinapangarap. Dito lang ako sa tabi-tabi at mapapangiti na nakikita kang masaya. Hay nako, pagbigyan mo na ako. Hayaan mo akong maging emo kahit ngayon na lang.
Tutal ay nasa labas na ang taxi, paalis ka na. Iwanan mo na ako.